kung paano mabaliw sa loob ng kulang sa 24 oras

May dalawang klase ng magnanakaw ng cell phone. Yung magnanakaw na hindi nagsasauli ng ninakaw niya. At yung magnanakaw na nagsasauli, yung tipong sinapian lang ng demonyo sandali kaya siya nakapagnakaw. Yung nagnakaw ng cell phone ko kahapon, siya yung pangalawang klase ng magnanakaw.

Kahapon kasi, maaga natapos ang mga klase ko dahil gustong magliwaliw ng mga estudyante kong Koreano. Bakit naman ako tatanggi pa e cool kaya akong teacher? Nung pauwi na ako e nag-MRT na lang ako, bilang nagtitipid at hindi naman siguro siksikan.

Siyempre mali ako ng hinala dahil hitik na hitik sa tao ang tren kahit walang pasok. Ang self-centered ko pala para isiping ako lang ang nagtitipid sa Pilipinas. Saka malay ko bang may manggigitgit sa akin sa loob at magnanakaw ng mumurahin kong telepono? Saka malay ko bang inutil ang mga magiging kasakay kong pasahero, na kapag hahabulin ko na yung magnanakaw e mas magpapanic pa sila sakin, kaya hindi na ako makakakilos?

Pagkauwi ko nang bahay, nagyosi ako ng isang kaha. Tapos nanghiram ako ng cell phone at tinext ko yung number ko. Baka makonsensya yung magnanakaw, bilang magpapasko na at ayaw ni Santa ng nagnanasa sa pag-aari ng iba. Sabi ko lang sa text ko, kelangan ko yung telepono ko dahil para sa trabaho, at kung may problema siya e pwede ko naman siyang matulungan sa ibang paraan. Saka paano kung may biglang tumawag sa akin o magtext para magtapat ng pag-ibig?

Kinaumagahan, may tumawag sa hiniraman ko ng cell phone. Yung magnanakaw. Nagkaroon daw siya ng epiphany at gusto na niyang isauli ang telepono ko. Magkita raw kami sa High Street, sa tapat ng Fully Booked. Hindi ko na tinanong kung bakit sa sosyal pang lugar niya pinili makipagkita. Baka magbago pa ang isip.

Nagbitbit ako ng back-up na kaibigan. Baka mauwi sa hand-to-hand combat, at wala pa naman yatang tindang bala ng baril sa 7-11.

Pagdating namin sa Fully Booked, binati ako agad ng magnanakaw, sabay abot sa akin ng telepono ko. Akala ko bigla siyang iiyak. Buti na lang hindi, kasi baka nabanatan ko siya nang wala sa oras.

Umupo kami dun sa may mga tubig-tubig sa tapat ng bookstore. Siyempre nagpaliwanag na siya kung bakit at paano siya sinapian ng demonyo at kung bakit ako ang napagdiskitahan niyang hiraman ng telepono.

Naghahanap raw siya ng trabaho at mahirap daw maghanap ng trabaho kapag walang cell phone number sa resume. Kadalasan naman kasi talaga ay “we will call you back” ang laging sinasabi sa kanya sa mga interview. Wala naman daw siyang pambili ng kahit murang secondhand lang, dahil galing pa raw siyang Bicol.

Hindi na siya nagsabi ng pangalan at di ko na rin tinanong. Baka i-add pa niya ako sa Facebook. Sinabi ko na lang, na bilang parusa, i-follow niya itong blog ko at magbackread siya mula sa umpisa.

Nagpasalamat naman ako at sabi ko ipaparefer ko siya sa kilala kong HR rep sa isang call center sa Makati, kung gusto niya. Tapos naman daw siya ng high school at hindi naman kailangan talagang mahusay mag-English sa call center, dahil may training naman. Ayaw naman niya. Pero may hihilingin daw siya sa akin. Sana raw ay mapagbigyan ko.

Sa loob ko, gago ka rin ano. Yung sabi kong tutulungan kita, tokenism lang yun. Hindi ko siyempre sinabi, kasi baka hindi niya alam ang ibig sabihin ng “tokenism” baka bigla niya kaming saksakin ng ice pick.

“Ano yun? Sige, baka naman kaya nating gawan ng paraan,” sabi na lang ng kaibigan ko. Bakas sa garalgal niyang boses ang pangamba. Ako naman e nagkompyut na ng laman ng wallet.

“Ah ano kasi. Nakakahiya kasi, pero sayang naman kasi, ‘di ba? Tumataya rin ba kayo? Ewan nga kung may nanalo na. Meron na ba? Meron na yata ano? Sa tingin niyo ba meron na? Sana wala pa. Kapag ako ang nanalo, hati-hati tayo, pangako ‘yan kasi mababait kayo sa akin.”

Advertisements

24 thoughts on “kung paano mabaliw sa loob ng kulang sa 24 oras

  1. hahaha.nakakatuwa naman ang magnanakaw na yan victor. baka naman naghahanap lang yan ng kaibigan, kaya ganun nalang ang modus nya?grrr. naaalala ko pa dati nung naiwan ko ang aking selpown sa taxi (sober ako nun, imperness), nung tinawagan ko ang manong driver, sinagot pa nya ito, at pinangaralan pa ako:'ganyan talaga iho, pana-panahon lang. pasensiya lang at ikaw ang nawalan ngayon.'kaya sabi ko nalang: 'sige po, ingatan nyo nalang po yung selpown ko.'tapos ginamit pa nya ang sim card ko. hongkopol ng pagmomokha.anyway, masaya ako't may selpown ka na ulit. haha! namnamin mo ang tagumpay ng iyong pagiging smooth talker! :))

  2. may nanalo na ng tumataginting na humigit kumulang pitong daang milyong piso. taga-pampanga ang hinayupak kaya pakisabing wag na siyang mag-ambisyon.baliktad tayo. kung kelan naman patagalog ka, ako naman eh bumabalik sa pagka-ingles. may bago akong blog, baka gusto mo lang maki-usyuso: chasingtheruddynovel.wordpress.como siya. text text na lang! \m/

  3. Mukhang social climber yung magnanakaw: a. binalik yung cell mo kasi sabi mo mumurahin lang, gusto siguro yung may wifi at touch screen b. sa high street talaga nakipagkita c. tumataya ng lotto kahit walang pantaya.word verification: mytimen (mighty men?)

  4. kakaiba ito. kakaiba. nakatulala ako ngayon."Saka paano kung may biglang tumawag sa akin o magtext para magtapat ng pag-ibig?" — i can so relate. pareho tayo ng naging worry nang madukutan din ako ng cellphone noon. hahaha!nice one, victor. 🙂

  5. Victor, I swear, how could you have kept a straight face through all this? Hehe, baka kung ako yun, ang nasa isip ko lang eh "blog moment ito".I think may sinto-sinto talaga yung guy na yun, although minsan eh "sober" sya. May sumpong sya nung ninakawan ka, nawala sumpong nya nung binalik nya, sinumpong uli sya nung nanghingi ng tulong sayo…Kahit nakakatawa yung nangyari, I can't help but feel sad para sa kanya, imagine, all he needed is a chance na magkatrabaho. It's eye-opening, really, how a small thing we take for granted everyday, like our cellphones, mean a great deal for others.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s