kuwentong mabuti

Gusto kong patuloy na manahimik, magtipid at magtimpi para sa kung dumating man ang panahong maaari nang magbukas ng sarili.

Sampung-libong salita lamang daw ang nabibigkas o nasusulat ng karaniwang tao. Kung gayon, madalas ang paggamit ng parehong mga salita para sa magkaibang bagay. Napapagod din malamang ang wika, at gusto kong may matira pang bisa ang ilang piling salita, hanggang wala nang batas laban sa pagiging matapat.

Gusto kong maging iisa. Ilang siglo lang ang nakaraan, ang pag-aari ng ikalawang katauhan ay paniwalang gawa ng demonyo, ng kanyang pagnanasang mabuhay nang kahit sandali.

May mas malinis nang paliwanag ngayon ang agham, pero may katotohanan din minsan sa mga alamat na likha ng takot o kamangmangan, at tiyak na may dahilan ang madalas na paghiram ng pangalan ni Freud o ni Jung sa paghahanap ng kahulugan.

Gusto kong lumuma. Sa Pilipinas, pinakamatandang kalye ang Colon sa Cebu na inilatag ng mga tauhan ni Legaspi noong 1565. Masarap siguro maging pinakalumang lansangan, kakambal ng maraming paglalakbay at pananatili. Kaibigan ng marami ring pagbabalik.

Gusto kong maghintay. Gaano karami ang hininga ng tao kung 12 beses tayo humihinga kada minuto?

May 60 minuto sa isang oras. 60 x 12 = 720
May 24 oras sa isang araw. 720 x 24 = 17,280
May 365 araw sa isang taon. 17,280 x 365 = 6,307,200
May 76 taon ang buhay ng karaniwang tao. 6,307,200 x 76 = 422,582,400

Sagot: Apat na raan at dalawampu’t dalawang milyon, limang daan at dalawalumpu’t dalawang libo, at apat na raan.

Advertisements

14 thoughts on “kuwentong mabuti

  1. nosebleed sir. :Pmahilig din ako magcompute ng mga ganyan. hahaha.salamat sa ilang mga trivia. pero ang punto ng post na ito ay nahihirapan akong makuha. 😦

  2. ah, chungking express. kung paanong ang isang lata ng pinyang merong may 1 expiration date eh sumalamin sa buhay, sa pag-ibig, sa walang sawang paghihintay sa minamahal. andaming pabaon ng pelikulang 'to. tulad ng kung paanong napakaraming mapupulot sa iyong matalinghagang mga salita.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s