diyalektiko

Parating sangkot sa pagpaslang ng panata ang panahon. Bagaman panahon din ang lumilikha ng mga pangako, ito rin ang nagwawakas sa mga pagpapasya—na manahimik o magsalita, tumakas o manatili, umiwas o yumakap. Walang hindi nagagapi ng oras.

Gigising ako halimbawa at papanatang magiging hungkag sa mga temptasyon ng materyalismo. Hindi ko kailangan ng pera. Mabubuhay akong walang bagong damit, alak, sigarilyo, kapeng mamahalin, sineng 3D, teleponong touchscreen. Ngunit magtatapos ang araw na ang mismong pagsisikap at pagdidiktang ito ang lilikha ng pangangailangan.

May mga araw ding nangangako akong maging mas matapat sa sarili, na taliwas sa mayabang kong paniniwala, wala akong pinagkaiba sa lahat ng tao sa daigdig. May mga araw namang mas nananaig ang kahilingang pumili at mapili ng wastong kapalaran.

Isang serye lamang daw ng mga kasalukuyan ang bumubuo sa kasaysayan at sa hinaharap. Kaya siguro madaling magwakas at lumikha ng mga pangako ang panahon—dahil may bisa lamang ang mga panata sa iisang kasalukuyan—dahil sa burador lamang naisusulat ang ideya ng pananatili o pagbabago—dahil naghahalinhan o nagtutunggalian lamang ang mga ideya. Baka gaya ng sa Marxismo, mananaig pa rin sa huli ang pinakamatalino nating paniniwala.


*photo is from the movie “The Matrix”

Advertisements

6 thoughts on “diyalektiko

  1. feeling ko, siguro kung si marx ay buhay sa mga panahong ito, may blog din siguro siya, at just the same, may fans din siya at haters din siya. too bad nga lang, usually ang mga kapitalista lang ang may laptop at internet.

  2. Binasa ko ng paulit-ulit. feel ko gets ko na.minsan kasi ayaw mo man mag-indulge in stupid things like coffee or vices, it becomes necessary to stay sane because of all the stress at work. ewan ko ba. maybe that's just my excuse. lol

  3. ang lalim..muntikan na akong malunod. tama ka, ganun naman talaga tayong mga tao. laging nagpa-plano para sa ikabubuti ng sarili pero sa huli, sa wala din mauuwi ang lahat. tulad mo, ilang beses ko na ding sinabing *Hindi na ako magyoyosi at iinom, at mambababae*, pero anong nangyari, dala ng panahon ng pangangailangan, ako pa mismo ang lumalapit sa tukso at bisyo..–parekoy, wiw. salamat sa pagbisita ha. nag-follow din ako dito para laging makabisita *ako yung ^natasdeyenworb^ sa mga follower mo yung walang pisc*. nasa blogroll na din kita. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s