epic fail (o kung paano ko napatunayang honesty is the best policy)

Prente akong nagtatrabaho sa station ko nang bigla akong tawagin ng boss ko. Saglit lang at may ipagagawa raw sa akin.

“Magaling ka bang umarte?” banat niya agad. Sabay tingin nang palihim sa paligid, na parang wala dapat makarinig ng usapan namin. Wala siyempre akong maisagot na matino, bilang hindi naman yata ako madalas matanong nang gano’n. Naghintay na lang ako ng susunod niyang sasabihin.

“Kasi late ka na naman kanina. For termination ka na.”

Medyo nagsisimula nang magkasaysay ang usapan, pero parang wala pa ring malinaw na koneksyon ang mga bagay. “Sarado po kasi ang Kalayaan kanina, may miting de avance yata, trapik, kaya na-late po ako.”

“Hmm. Magaling ka bang umarte?” tanong niya ulit.

Parang gusto ko na siyang sagutin ng “Depende po. Drama po ba o comedy?” para matapos na, pero malinaw sa akin ang power relations sa pagitan namin, kaya pinilit kong hindi magpakakupal. Kailangan ko ng trabaho.

Pumormal ako at sumagot nang matino: “Last time na ito talaga, TL. Pramis.”

“Talagang last time na. Pero kailangan mong bumaba sa clinic. Kunyari masakit ulo mo, sabihin mo hindi mo na kayang tapusin shift mo. Gusto mo nang umuwi. Para i-sick leave na lang kita, kaysa tagged as late ka today.” Marami pa siyang instructions pero nalimutan ko na kung paano niya saktong sinabi. Drama pala ang gusto niyang ipagawa sa akin.

Sa isip-isip ko, bwiset, hindi man lang ako tinanong kung ayos lang sa akin ang magsinungaling. Parang wala nang kustiyon kung okey lang ba sa aking magpanggap na maysakit. Pero tama naman siya sa hinala niya, ayos lang sa akin ang magsinungaling.

Kaya bilang masunuring empleyado, bumaba ako sa clinic. Kinuhaan ako ng BP. Buti na lang at likas na low-blood ako. 90/60 ang reading. “Ang putla mo, nahihilo ka ba?” tanong ng nurse.

“Opo eh. Lalo na po ‘pag nakaharap sa screen ng computer.”

“Uminom ka na ng painkiller?”

“Opo, nakadalawa na nga po ako na mefanemic.”

“Ganun ba. Sige, bigyan na lang kita ng mas matapang. Wala ka naman yatang known allergy sa gamot. Okay lang?”

Iyon na ang cue para kabahan ako. Inisip kong isa lang itong pagsubok, na hindi naman niya ako talaga bibigyan ng kung anu-anong gamot, na gusto lang niyang malaman kung talagang nagdidilim na paningin ko. Kaya um-oo ako.

Wrong move. Wrong answer.

Naglabas siya ng isang box. Binuksan ito. Kumuha ng isang vial sa loob ng box. At naglabas ng syringe.

“Ang putla mo talaga. Ayos ka lang?”

Advertisements

24 thoughts on “epic fail (o kung paano ko napatunayang honesty is the best policy)

  1. @Yas, Talagang aayos na. Kailangan.@Lance, I know. Hehe. But I really meant it when I told my boss that that's the last time. :)@Nyl, Pinanawan lang ng dugo yung mukha ko. LOL.@Ricky, B1 Gang? Napa-Google tuloy ako. Hehe. @Mjomesa, I just… bit my lip and rolled up my sleeve. :|@Jeff, Hindi ko na siyempre sinama 'yon. Baka maniwala, mahirap na. LOL.

  2. @Aris, Haha. Salamat. Sinubukan ko lang uli. :)@Arkin, You have a sadistic streak. Hehe. Kidding.@Gillboard, Kung "laro" lang ito ng "life," ang sakit niya sa bungo. LOL.@Yoshke, If I had really said that to my boss, I know it would crack her up, too. But not in a good way, though, I suspect.Kikit, Salamat. Nag-enjoy ako magsulat ulit sa Filipino–nang hindi emo ang topic. HeheRah, Naisip ko na rin kaya 'yan. Kaso baka insanity na ang madiagnose na sakit ko. 😀

  3. Do you have a fear of syringes? =OI don't think you need the acting skills for this one. You need the nerve and guts instead :P. That's what she should have asked you.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s