tahimik

Bakit kaya kay rami ng mga taong napakahusay? Mahusay tumula, mahusay magpaibig, mahusay lumubid ng kasinungalingan, mahusay humingi ng tawad, mahusay magpatiwakal, mahusay manatiling patay at manahimik habang buhay.

Minsan (katulad ngayon), naiisip ko tuloy kung may puwang pa para sa mga pangalawa lamang. Pangalawang pinakamahusay sumulat, pangalawang pinakamahusay umunawa ng batas (ng mga dapat at hindi dapat), pangalawang pinakamahusay lumunas ng sariling karamdaman, pangalawang pinakamahusay puminta ng pangarap, pangalawang pinakamahusay umibig at maniwalang kulay asul ang langit.

Hindi kaya walang pag-asang mapagal sa pagsisikap na mahanay sa mga Diyos ng lahat ng larangan sa daigdig? O hindi kaya ang totoo ay kailangan lang pumili o lumikha ng sariling digmaan, dahil mas mainam na’ng masugatan ng napiling makalaban?

Advertisements

17 thoughts on “tahimik

  1. i didn't know u could write so well in filipino. you know how people always compare us with each other? i can relate about being second all the gosh darn time because you blow my mind whenever i read your stuff. in short, i hate you. hahasrsly tho, i think we both know na bilog talaga ang mundo. we can't be at the bottom forever (or can we?) at some point, things have to change. and when we view the world from the top, i'll laugh and rmeind you of this comment. lolfunny how i was able to use the words top and bottom and not mean anything sexual by it. ;*

  2. first, i love the way this was written. second, being in the second rank may be relative. i wouldn't mind being the second best blogger or the second best student in class (hahaha) but being the other woman (or number 2) would surely crush my heart.

  3. Ranking for me is just a way of quantifying what is essentially qualitative, and as consequence, something always gets lost in translation. Numbers don't always correspond to the level of brilliance or talent of people.

  4. Nyl, tingin ko ay mas nakakalungkot ang pagiging napakalapit na sa unahan, hindi ang pagiging nasa pinakahuli. Tanaw na kasi kung sino ang panalo.Salamat, Kikit. Gusto ko ang sinabi mong ayos lang maging pangalawa sa ilang bagay, pero gaya ng sabi mo rin, may mga usaping wala tayong karapatang matalo ng iba. :)Eternal Wanderer, sakit ko siguro talaga ang pagkumpara ng sarili. Tama ka naman, Lance. Unfortunately, poison doesn't always come in a skull-and-bones bottle.I totally agree with you, Manech. But it's different when I don't even need numbers to confirm my mediocrity. And mediocrity, inevitably, is borne out of comparison with other people more brilliant or talented. Yas, may pasok ako sa Biyernes. Sabado pa ang rest day ko. Ayun. Text text na lang siguro kung anuman.Darc, I must say there's hardly anything wrong with being number 2. But then what's right with being just number 2?

  5. Nominality is an illusion, a conception created to distill order from the variety of human experience. You see, perfection must be achieved by one's own efforts, and not by the projection of some perverse standard from another's perspective. What am I saying? We are all number's for ourselves. Until the time we progress and evolve, strive to be the perfection you can achieve. Not by comparatives, but by superlatives of self.

  6. "Not by comparatives, but by superlatives of self." What a beautiful, beautiful thing to say, Red. I am converted.Lance, that's why I make it a point not to listen to the said song. 😉

  7. lol at "mahusay manatiling patay"depende lang yan sa pagkakataon… at pano yung mga nadadaya? yung mga nananakawan ng pagpipilian? @ Nyl… pagbalibaliktarin mo man ang mundo kung power bottom ang isang tao, mananatili yan sa ilalim. bwahahahahaha

  8. I was very confident with my writing back when I was still in high school. Kala ko ang galing-galing ko. When I got in college, ang dami kong nakilala na mas magaling pa sa kin. Shit man, major humbling experience, heheh 😀

  9. Jeff, wala namang magnanakaw at mandaraya na tunay na nananalo. Pero kung iisipin naman, Andy, mabuti nang alam natin kung saan ang lugar natin sa mundo.Ewik, ano ang problema ng mga magagaling?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s